Panuntunan sa pagbibigay ng ikalawang bugso ng SAP inaayos na ng DSWD

By Erwin Aguilon May 13, 2020 - 09:33 AM

Gumagawa na Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang panuntunan sa pagbibigay ng ikalawang tranche ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Sinabi ni Assistant Secretary Glenda D. Relova, tagapagsalita ng DSWD, sa virtual hearing ng Social Amelioration Cluster ng Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee na
hinihintay pa nila ang dokumento mula sa Office of the President para sa pagbabagong gagawin ng DSWD sa guidelines sa pamamahagi ng ikalawang tranche ng SAP.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque na tanging mga SAP beneficiaries sa mga lugar na isasailalim sa enhanced community quarantine mula Mayo 16 hanggang 31 ang mabibigyan ng ikalawang tranche ng emergency cash subsidy.

Nauna nang sinabi ni Roque na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na isama sa makakatanggap ng second tranche ng SAP ang karagdagang 5 million low-income families.

ang karagdagang benepisyaryo anya ay iyong mga “waitlisted” o ang mga mahihirap na pamilya na hindi naabutan ng tulong pinansyal sa unang tranche ng SAP.

Sa ilalim ng programa, bibigyan ng P5,000 hanggang P8,000 ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino sa loob ng dalawang buwan.

 

 

 

 

TAGS: dswd, sap, sap distribution, dswd, sap, sap distribution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.