Nasa 182 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:00, Martes ng hapon (May 12), pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Ayala Alabang na may 32 cases.
Narito ang kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod ng barangay:
– Tunasan – 15
– Poblacion – 23
– Putatan – 29
– Buli – 4
– Bayanan – 14
– Alabang – 16
– Cupang – 25
– Sucat – 24
235 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at lima ang suspected cases.
Samantala, 82 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 25 ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.