Police chiefs na sakop ng NCRPO ipasasailalim sa mandatory COVID-19 test

By Dona Dominguez-Cargullo May 12, 2020 - 11:00 AM

Plano ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magsagawa ng mandatory COVID-19 test sa lahat ng nasasakupan nitong chief of police.

Sa ngayon sinabi ni NCRPO chief, Major Gen. Debold Sinas na naglalatag na sila ng plano para maisailalim sa COVID-19 test ang mga chiefs of police at kanilang deputies.

Ayon kay Sinas, mas mahirap kasi ang contact tracing kung ang chief of police ang matatamaan ng COVID-19.

Maliban kasi sa kaniyang mga tauhan, ay may iba pang nakakahalubilo ang mga ito dahil dumadalo din sila sa iba pang pulong.

Magugunitang ang Camp Karingal sa Quezon City ay isinailalim sa tatlong araw na lockdown.

Ito ay matapos na labingtatlong pulis nito ang magpositibo sa COVID-19.

 

 

 

TAGS: covid 19 tests, covid pandemic, COVID-19, debold sinas, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, NCRPO, News in the Philippines, police chiefs, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid 19 tests, covid pandemic, COVID-19, debold sinas, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, NCRPO, News in the Philippines, police chiefs, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.