Foreign investors dapat mahikayat na mamuhunan sa bansa upang makapagbukas ng job opportunities sa mga lalawigan – Sen. Bong Go
Ipinanukala ngayon ni Sen. Bong Go sa gobyerno na himukin ang mas marami pang foreign businesses na mag-invest dito sa bansa partikular sa mga hindi pa masyadong nade-develop na mga rehiyon.
Ito ay dahil na rin sa nagpapatuloy na epekto ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa buong mundo kaya’t ang mga international companies ay nag-shift na ng supply chains sa mas murang job markets.
Ayon sa senador, ang naturang hakbang ay magiging suporta sa long-term plan para sa pagpapatupad ng “Balik Probinsiya” program kapag nalagpasan na ng bansa ang COVID-19 crisis.
“Dahil po sa problemang dulot ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa sa mundo, marami pong mga negosyo ang nagnanais pumunta sa mga bansang may mas murang production costs at skilled workforce. Oportunidad rin ito para sa Pilipinas upang mahikayat ang mga negosyo na dito na lamang mamuhunan sa ating mga probinsya sa Pilipinas. Magiging daan din po ito upang makapaghanda tayo sa implementasyon ng ‘Balik Probinsiya’ program at mapalakas ang regional development,” wika ni Go.
Naniniwala si Go na sa pamamagitan ng pamumuhunan ng mga foreign companies sa mga probinsiya ay makakatulong ito sa maraming Pilipino at hindi na nila kailangan pang mamasukan sa mga kumpanya sa Metro Manila dahil sa mas magandang job opportunities.
“Bukod sa gusto nating umuwi sa probinsya ang mga Pilipino mula sa mga siyudad, tulad ng Metro Manila, isa sa mga layunin ng proposed na ‘Balik Probinsya’ program ang pagsigurong handa at kaaya-aya ang mga probinsya para sa mga bagong negosyong ipapatayo ng mga mamumuhunan. Para maabot natin ang hinahangad na kaunlaran, dapat nating simulan na ang pagpaplano ng national at local government units na gumawa na ng trade and industry roadmap at konkretong polisiya para tiyak na makukuha nating mag-invest ang mga negosyo sa probinsya,” dagdag ng senador.
Naniniwala si Go na kailangang mapaganda rin ang kasalukuyang tax at incentives system sa bansa para mabalanse ang tax collection at incentives para sa urban at rural areas.
Magiging daan din ito para makinabang ang mga komunidad sa bansa dahil sa fresh investments na pumapasok.
Una rito, sinabi ni Acting National Economic and Development Authority Director-General and Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na ang grant ng tax incentives ay maganda sa mga probinsiya dahil sa kasalukuyang sistema ay mabibigyan ng parehong incentives kahit saan pa man sa sulok ng bansa ang naturang negosyo.
Naniniwala si Chua na sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming incentives para sa mga bagong negosyo sa countryside ay mag-i-invest ang mga investors sa labas ng Metro Manila at iba pang metropolitan areas.
Naniniwala si Department of Finance (DoF) Secretary Carlos Dominguez III at Chua na sa pamamagitan ng pagpasa sa Senate Bill 1357 o ang Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA) ay magiging malaking tulong ito sa “Balik Probinsya” program dahil mas maraming incentives na ang maibibigay sa mga negosyo sa mga probinsiya.
Primarily author sa naturang bill si Senator Pia Cayetano at nasertipikahan na itong urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte noong buwan ng Marso.
“We need to scale up our policies to the standard that it will also be fair for both investors and the community. I ask the concerned government agencies, such as DSWD, DTI, DOLE and TESDA to map out the skills of proposed BPP beneficiaries in order to match them with possible investors,” ani Go.
Samantala noong May 4, inadopt ng Senate ang resolusyon na inihain ni Go na nanghihikayat sa executive department na mag-formulate at ipatupad ang kanyang panukalang “Balik Probinsiya” program.
Layunin din ng naturang proposal na lalo pang mapaghandaan ng bansa ang pagresponde sa mga pandemics at iba pang mga krisis na katulad ng nararanasan ngayon ng bansa dahil s COVID-19 health emergency sa hinaharap.
“This plan aims to decongest urban areas as congestion proves to be a significant factor in the high number of COVID-19 cases. It also aims to boost rural development and create livelihood opportunities in the countryside to encourage city dwellers and businesses to move to the provinces. As the President mentioned in his past statements, starting fresh in the provinces would give Filipinos HOPE for a better future after COVID-19 crisis,” pagtatapos ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.