1.5M katao na nawalan ng trabaho pwedeng i-hire ng gobyerno para sa contact tracing sa COVID-19
Ipinanukala ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa Inter Agency Task Force (IATF) na i-hire para sa contact tracing efforts ng bansa ang mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Sa kaniyang presentation sa pulong ng IATF, sinabi ni Dominguez na nawalan ng trabaho ang tinatayang aabot sa 1.2 million hanggang 1.5 million na manggagawa.
Maari aniyang mai-hire ang mga ito para tumulong sa contact tracing ng pamahalaan.
“We loss 1.2M to 1.5M jobs, if we hire this guys to do contact tracing. We can provide goo jobs to people.
Makatutulong din ani Dominguez ang pagpapabilis sa BUILD BUILD BUILD projects ng gobyerno.
Kailangan lang aniyang matiyak na nasusunod ang minimum health standards para dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.