BREAKING: Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo May 12, 2020 - 07:51 AM

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Baganga sa lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa layong 70 kilometers Northeast ng Baganga alas-7:33 umaga ng Martes (May 12).

May lalim na 18 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Samantala, alas 7:43 ng umaga naman naitala pa ang magnitude 3.9 na lindol sa bayan pa rin ng Baganga.

Ang epicenter nito ay sa layong 103 kilometers northeast ng Baganga.

1 kilometer lang ang lalim ng naturang pagyanig.

 

TAGS: 4.5 magnitude, baganga, davao oriental, earthquake, Inquirer News, News in the Philippines, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 4.5 magnitude, baganga, davao oriental, earthquake, Inquirer News, News in the Philippines, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.