Pediatric Quarantine Facility sa Davao City ginawa ng mga sundalo
Isang Emergency Quarantine Facility para sa mga batang positibo sa COVID-19 ang ginawa ng mga tauhan ng Tactical Operations Wing Eastern Mindanao ng Philippine Airforce sa Southern Philippines Medical Center, Davao City.
Ayon kay Colonel Dennis Estrella, commander ng Tactical Operations Wing Eastern Mindanao, kayang ma-accomodate ng pasilidad ang 25 pasyente mula bagong panganak hanggang 18 taong gulang.
Nagawa anya ito sa tulong ng 534th Engineering Brigade ng Philippine Army na nagtrabaho araw at gabi upang matapos ang proyekto.
Sinabi ni Estrella na pinondohan ang proyekyo ng A Generous Davao o AGD na binubuo ng mga negosyante at pribadong indibidwal.
Ipinagmalaki ng opisyal na kumpleto sa pasilidad anf bagong tayong quarantine facility tulad ng air-conditioning units, comfortable patient beds, bathroom, toilet at nurse’s station.
Makatutulomg anya ang nasabing pasilidad sa inaasahang pagdami ng kaso ng covid-19 dahil sa isinasagawang mass testing.
Inaasahang mapapakinabangan na rin ang nasabing pasilidad matapos maisagawa ang turn-over ceremony sa pamunuan ng SPMC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.