Higit 2,000 kaha ng ilegal na sigarilyo, sinira ng BOC
Sinira ng Bureau of Customs (BOC) ang 2,183 kaha ng ilegal na sigarilyo, Lunes ng umaga (May 11).
Sa pamamagitan ng water dousing at payloader, winasak ang mga ilegal na sigarilyo.
Nakumpiska ang mga kaha na naglalaman ng 21,830,000 sticks ng sigarilyo na nagkakahalaha ng P109.150 milyon mula 2018 hanggang March 2020.
Pinangunahan ng Enforcement and Security Service (ESS) ang pagsira sa mga sigarilyo at nasaksihan naman nina Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero at Deputy Commissioners, kasama si John Freda, CEO ng Japan Tobacco International (JTI).
Matatandaang huling nakumpiska sa Port of Manila ang mga sigarilyo na naghahalaga ng P34.7 milyon na unang idineklara bilang furnitures at blinds.
Tiniyak ng BOC na mananatili silang nakatutok sa tungkulin na bantayan ang borders ng bansa laban sa customs frauds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.