Petisyon ng ABS-CBN vs NTC nai-raffle na ng Korte Suprema

By Dona Dominguez-Cargullo May 11, 2020 - 12:35 PM

Nakapagsagawa na ng raffle ngayong Lunes, May 11, 2020 ang Korte Suprema sa petisyon ng ABS-CBN laban sa National telecommunications Commission o NTC.

Kinumpirma ito ni SC Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka.

Ayon kay Hosaka, mayroon nang member-in-charge na hahawak sa nasabing petisyon.

Confidential aniya ang resulta ng raffle sa ilalim ng internal rules ng Supreme Court.

Sa petisyon ng network, hinihiling nito sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order na pipigil sa cease and desist order na inilabas ng NTC sa operasyon ng network.

 

 

TAGS: ABS-CBN, Inquirer News, News in the Philippines, NTC, Petition, Radyo Inquirer, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, tro, ABS-CBN, Inquirer News, News in the Philippines, NTC, Petition, Radyo Inquirer, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, tro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.