Pamamahagi ng cash subsidy sa Montalban, Rizal hindi pa rin natatapos

By Dona Dominguez-Cargullo May 11, 2020 - 12:14 PM

Matapos ang deadline kahapon (May 10) ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGUs) hindi nakatapos sa pamamahagi ng cash assistance sa mga beneficiaries sa Montalban, Rizal.

Kabilang ang Montalban sa nalalabing 10 percent na mga LGUs na bigong makatapos sa itinakdang deadline ng DILG.

Sa Southville 8C, Barangay San Isidro, napuno ng beneficiaries ang covered court.

Sa Kasiglahan Village naman sa Barangay San Jose madaling araw pa lamang ay nakapila na ang mga tao.

Bigo na ring masunod ang social distancing sa pagtungo ng mga tao sa lugar kung saan ipinamamahagi ang ayuda.

Una nang sinabi ng DILG na ang deadline ay sukatan sa performance ng lokal na pamahalaan sa pamamahagi ng cash assistance sa publiko sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahalaan.

 

 

 

TAGS: cash assistance, covid pandemic, COVID-19, department of health, DILG, dswd, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, LGUs, News in the Philippines, Radyo Inquirer, social amelioration program, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, cash assistance, covid pandemic, COVID-19, department of health, DILG, dswd, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, LGUs, News in the Philippines, Radyo Inquirer, social amelioration program, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.