TD Ambo bahagyang lumakas; Metro Manila maaapektuhan ng pag-ulan sa pagtawid ng bagyo sa Bicol Region

By Dona Dominguez-Cargullo May 11, 2020 - 11:37 AM

Bahagya pang lumabas ang tropical depression Ambo habang papalapit sa kalupaan ng bansa.

Ang bagyong Ambo ay huling namataan sa layong 340 kilometers East ng Hinatuan Surigao Del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Mabagal ang kilos nito sa direksyong pa-kanluran.

Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, ang ilang bahagi ng Mindanao ay apektado na ng makapal na ulap na dala ng bagong Ambo.

Sa mga susunod na oras ay lalapit sa Eastern Samar ang bagyo, pero sa Huwebes ay lalapit na ito Bicol Region.

Posibleng tawirin ng sentro ng bagyo ang Bicol Region pero dahil sa 300 kilometers ang diameter nito ay maaapektuhan din nito ang ilang bahagi ng Visayas, Southern Luzon, Northern Luzon, Central Luzon kasama na ang Metro Manila.

Wala pa namang itinataas na storm warning signals ang PAGASA dahil sa bagyo.

 

 

TAGS: AmboPH, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression, weather, AmboPH, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.