Bilang ng naitatalang krimen sa Baguio City, bumaba

By Angellic Jordan May 10, 2020 - 12:43 PM

Bumaba ang bilang ng naitatalang krimen sa Baguio City kasunod ng istriktong implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ)

Ayon kay Police Col. Allen Rae Co, director ng Baguio City Police Office (BCPO), batay sa huling datos, 26 krimen ang napaulat mula April 16 hanggang 30, 2020.

70 porsyento itong mas mababa kumpara sa 77 krimen sa kaparehong petsa noong 2019.

Aniya, malaking tulong ang pagpapatupad ng ECQ at presensya ng pulisya sa buong Baguio City para mapababa ang crime volume sa lugar.

Sinabi pa nito na importante sumunod ang publiko sa mga panuntunan para maideklara na ang general community quarantine sa lugar sa May 15.

Sakali mang maisailalim sa GCQ, sinabi ni Co na magkakaroon pa rin ng istriktong panuntunan para maiwasan ang anumang untoward incidents na posibleng makompromiso ang health situation.

TAGS: Baguio City crime volume, Baguio City Police Office, Col. Allen Rae Co, ECQ effect, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Baguio City crime volume, Baguio City Police Office, Col. Allen Rae Co, ECQ effect, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.