SAP distribution sa Maynila, 93 porsyento nang tapos
Nasa 93 porsyento nang tapos ang pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Mayor Isko Moreno hanggang 7:00, Sabado ng umaga (May 9), nasa kabuuang 171,961 pamilya na ang nabigyan ng tulong-pinansiyal mula sa pamahalaan.
“So more or less, may awa ang Diyos we will reach and meet the deadline of the distribution of SAP without violating the standard policy,” pahayag ng alkalde.
Tiniyak din nito na masusunod ang social distancing sa pamamahagi ng P8,000 cash aid sa mga residente ng lungsod.
Nasa kabuuang 185,000 pamilya ang inaasahang makakatanggap ng tulong-pinansiyal mula sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.