Singil sa kuryente ng Meralco bababa ngayong Mayo
Bababa ngayong Mayo ang singil sa kuryente ng Meralco.
Ito ay dahil sa paggiit ng Meralco ng “force majure” provision sa kanilang kontrata sa mga supplier ng kuryente.
Ayon sa Meralco, dahil sa COVID-19 na nagdulot ng pag-iral ng enhanced community quarantine, bumaba ang demand sa kuryente dahil walang pasok sa malalaking kumpanya at industriya.
Inaasahang P0.25 kada kilowatt hour ang mababawas sa singil.
Para sa mga kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan ang bawas ay tinatayang P50.
P74 naman ang bawas kung ang konsumo ay 300 kwh.
Mababawasan naman ng P99 ang bayarin ng mga kumokonsumo ng 400 kwh.
Habang P124 naman ang bawas sa bayarin kung ang konsumo ay 500 500 kwh.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.