Cease and desist order ng NTC vs. ABS-CBN ipinarerekonsidera
Ipinarerekonsidera ni House Committee on Economic Affairs Vice Chair at Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong sa National Telecommunications Commission (NTC) ang inilabas na cease and desist order laban sa broadcast giant na ABS-CBN.
Ayon kay Ong, mayroon namang basehan upang payagan na makapag-operate ang network habang dinidinig ng Kamara ang prangkisa nito.
Sabi ni Ong,”There is more than enough basis in policy, practice, administrative due process and equity to support the continued operation of the network while the House of Representatives is still hearing the convoluted issues surrounding its franchise application”.
Sa panahon anya ng COVID-19 pandemic na kinakaharap ng bansa kailangang magtulungan ang lahat ng sektor.
Anya, kailangan ngayon ang isa’t-isa kasama ang malawak na news coverage nf Lopez-led network.
Iisa anya ang kalaban kundi ang covid-19 na umuubos ng oras ng lahat lalo na ang mga nasa pamahalaan.
“Kailangan po natin ang isa’t isa, kasama ang serbisyo, malawak na news coverage, at humanitarian assistance ng ABS-CBN, kasama ang mga manggagawa nito. Kailangan po natin ang BAYANIHAN kontra sa nag-iisa nating kalaban — ang COVID-19. Ito po dapat ang nag-uubos ng oras natin ngayon, lalo na tayong mga nasa gobyerno”, dagdag ni Ong. / EA
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.