Deadline ng SAP distribution pinalawig pa ng DILG

May 08, 2020 - 06:45 AM

Binigyan pa ng palugit ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang local government officials sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) para sa mga pamilyang apektado ng coronavirus disease o COVID-19.

Sa halip na May 7 ginawa ng DILG ang deadline sa May 10.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, mabibigyan ng pagkakataon ang LGUS na maipamahagi ang pinansyal na ayuda lalo na sa mga lugar na may malalaking populasyon gaya ng Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, Cebu, at Davao City.

Sa talaan ng DILG, nasa 77 percent na ang payout rate.

Umabot na aniya sa 985 LGUs ang nakakumpleto sa SAP distribution.

Nabatid na ang CARAGA ang nakapagtala ng pinakamataas na payout rate na umabot sa 99.88 percent at sinundan Bicol region at Cordillera Administrative Region (CAR).

TAGS: COVID-19, DILG, Interior Secretary Eduardo Año, sap, COVID-19, DILG, Interior Secretary Eduardo Año, sap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.