500 pulis at sundalo, nag-donate ng dugo ngayong Valentine’s Day
Nasa limang daang pulis mula sa Quezon City Police District o QCPD at tatlumpung sundalo mula sa Armed Forces of the Philippines o AFP ang nag-donate ng kanilang dugo ngayong Valentine’s day.
Ginawa ang blood-letting activity sa Camp Karingal kaninang umaga.
Ayon kay QCPD chief Edgardo Tinio, ang blood donation ng mga pulis at sundalo ay pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa publiko.
Sinabi ni Tinio na maraming makikinabang ng blood drive na kanilang isinagawa.
Bukod sa PNP at AFP, nakibahagi rin sa aktibidad ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at Philippine Red Cross.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.