Heat index sa Quezon City, pumalo sa 43 degrees Celsius
Muling nakaramdam ng matinding init at alinsangang panahon sa Metro Manila, araw ng Huwebes (May 7).
Ayon sa PAGASA, pumalo sa 43 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa bahagi ng Science Garden sa Quezon City bandang 3:00 ng hapon.
Umabot naman sa 35.8 degrees Celsius ang air temperature sa nasabing lugar sa kaparehong oras.
Dahil dito, patuloy ang paalala ng weather bureau na dalasan ang pag-inom ng tubig.
Iwasan din ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon para makaiwas sa heat stress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.