Mahigit 700 ang panibagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.
Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 741 na kaso hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (May 7).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
Sa nasabing bilang, sinabi ng Ministry of Health na limang kaso ay Singaporean o permanent residents.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 20,939 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.