BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 10,343
Lumobo pa ang bilang ng nagpositibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (May 7), 10,343 na kabuuang confirmed COVID-19 cases sa bansa.
339 ang panibagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa nakalipas na 24.
Sa nasabing bilang, 205 o 61 porsyento ay naitala sa Region 7, 110 o 32 porsyento sa National Capital Region at 24 o pitong porsyento sa iba pang lugar.
Samantala, 27 pa ang nadagdag sa bilang ng nasawi dahilan para umabot sa 685 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon sa DOH, 112 namang pasyente ang gumaling pa sa COVID-19.
Bunsod nito, ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa Pilipinas ay 1,618 na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.