39.6 degrees Celsius naitalang pinakamataas na temperatura kahapon, May 6
Nakaranas ng maalinsangan at mainit na panahon ang maraming lugar sa bansa, araw ng Miyerkules, May 6.
Ayon sa PAGASA, naitala sa Echague, Isabela ang pinakamataas na temperatura na umabot sa 39.8 degrees Celsius.
Narito ang iba pang lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura:
Tuguegarao City – 39.5 degrees Celsius
Science City of Muñoz – 38.4 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 38.3 degrees Celsius
Camiling, Tarlac – 38.2 degrees Celsius
Paalala ng weather bureau sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.