Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Oriental Mindoro umabot na sa 16

By Mary Rose Cabrales May 07, 2020 - 09:55 AM


Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

base sa Facebook post ni Governor Humerlito Dolor, tumaas na sa 16 ang bilang ng mga COVID-19 positive cases kung saan 6 na bagong kaso ang nadagdag kahapon Miyerlules (May 6).

Ang mga nagpositibo ay ang mga sumusunod:

1. Patient 439 —49y/o, female mula sa Barangay Pachoca, Calapan City.
2. Patient 440 — 47y/o, male Barangay Balite, Calapan City.
3. Patient 441 — 58y/o, male mula sa Barangay Managpi, Calapan City
4. Patient 442 — 51y/o, female mula sa Barangay Santa Isabel, Calapan City.
5. Patient 443 — 48y/o, female mula sa Barangay San Andres , Naujan
6. Patient 444 — 62y/o, female mula sa Barangay Sabang, Pinamalayan

Ang mga pasyenteng sina 439, 440, 441 at 442 ay walang travel history at asymptomatic at maayos ang kanilang mga kondisyon ngunit sila ay isinama sa mass testing dahil nagkaroon sila ng direct contact sa isang doktor (Patient 330) na sumuri sa kanila.

Nasuri ng doktor ang apat bago pa nalaman na positibo ito sa COVID-19. Si patient 330 ay asymptomatic din at sa kasalukuyan naman na magaling na ito.

Si Patient 443 naman ay isang dialysis patient, asymptomatic, maayos ang kalagayan at ang kauna-unahang naitalang nagpositibo sa bayan ng Naujan. Ang pasyente ay wala ring travel history ngunit nagkaroon ng exposure sa isa pang dialysis patient na kalaunan ay napag-alaman na COVID-19 positive rin.

Si Patient 444 naman ay ang naitalang kauna-unahang COVID-19 positive mula sa bayan ng Pinamalayan.

Isinagawa na rin ang contact tracing ng mga posibleng nagkaroon ng direct exposure sa kanila na hindi pa naisasama sa mass testing upang makuhanan ng sample para masuri.

Ngayong araw (May 7) isasagawa ng 2nd test sa anim na bagong nagpositibo upang maipadala agad sa RITM at bukas isasagawa ang 2rd test sa kanila.

TAGS: COVID-19 positive, Health, Oriental Mindoro, RITM, COVID-19 positive, Health, Oriental Mindoro, RITM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.