Sisihan sa prangkisa ng ABS-CBN pinatitigil na ng Malakanyang
Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang sa lahat na itigil na ang pagtuturuan kung sino ang dapat na sisihin sa hindi pagkakapasa sa kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi ito ang tamang panahon para magsisihan.
May isang buwan aniyang sesyon ngayon ang Kongreso at dapat na pag-aralan na kung ippapasa o hindi ang panukalang franchise renewal.
Ayon kay Roque, kung ayaw ng mga mambabatas na magbigay ng prangkisa, dapat na sabihin na agad ito sa harap ng taong bayan dahil sapat na ang panahong naibigay sa kanila para pag-desisyunan ang kapalaran ng ABS-CBN.
“So, sana po imbes na sisihin ang kung sinu-sino ay naka-session naman po ang Kongreso, mayroon po tayong thirty days nang sila ay naka-session, naaprubahan na nila iyong amendment sa kanilang rules para magkaroon ng virtual session, so pag-aralan na po nila kung gusto nila. At kung ayaw naman po nilang magbigay ng prangkisa eh sabihin na po nila sa taumbayan dahil tingin ko sapat-sapat na iyong panahon na naibigay sa kanila para magdesisyon,” pahayag ni Roque.
Malinaw aniya na tali ang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil quasi judicial body.
Una rito, sinabi ni Congressman Lito Atienza na walang dapat na iba ang dapat na sisihin sa pagsasara ng ABS-CBN kundi silang mga mambabatas dahil sa hindi pag-aksyon sa franchise bill ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.