15 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Maynila; Kabuuang bilang, nasa 797 na

By Angellic Jordan May 07, 2020 - 12:11 AM

Karagdagang 15 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (May 6), umakyat na sa 797 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 587 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 case sa Tondo 1 na may 122 cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 117 na kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, 40 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 886 ang suspected cases.

Umakyat naman sa 133 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila at apat ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

TAGS: COVID-19 cases in Manila, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, Inquirer News, Radyo Inquirer news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.