Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, makakaranas ng pag-ulan

By Angellic Jordan May 06, 2020 - 10:34 PM

Makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Batay sa thunderstorm advisory ng weather bureau bandang 9:39 ng gabi, iiral ang katamtaman hanggang mabigay na buhos ng ulan na posibleng may kidlat at malakas na hangin sa Rizal, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Batangas, Laguna, Quezon at Cavite.

Maaari rin anilang maranasan ang nasabing lagay ng panahon sa Metro Manila.

Ayon sa PAGASA, iiral ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Nag-abiso naman ang weather bureau na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa bunsod ng pag-ulan.

TAGS: Batangas, Bulacan, cavite, Inquirer News, laguna, Metro Manila, nueva ecija, Pagasa, Quezon, Radyo Inquirer news, Rizal, Tarlac, thunderstorm advisory May 6, Batangas, Bulacan, cavite, Inquirer News, laguna, Metro Manila, nueva ecija, Pagasa, Quezon, Radyo Inquirer news, Rizal, Tarlac, thunderstorm advisory May 6

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.