Nasa 169 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (May 6), pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Ayala Alabang na may 32 cases.
Narito ang kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod ng barangay:
– Tunasan – 13
– Poblacion – 20
– Putatan – 26
– Buli – 4
– Bayanan – 13
– Alabang – 15
– Cupang – 23
– Sucat – 23
382 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 17 ang suspected cases.
Samantala, 62 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 23 ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.