BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 10,004
Pumalo na sa 10,004 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas
Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (May 6), 320 ang panibagong tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Sa nasabing bilang, 179 o 56 porsyento ay naitala sa National Capital Region, 98 o 31 porsyento sa Region 7, at 43 o 13 porsyento naman mula sa iba pang lugar.
Ayon pa sa DOH, 21 pa nasawi dahil para umabot ang COVID-19 related deaths sa Pilipinas sa 658.
98 namang pasyente ang gumaling sa COVID-19 pandemic.
Bunsod nito, 1,506 na ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.