Barangay Mauway sa Mandaluyong City, isasailalim din sa lockdown

By Angellic Jordan May 06, 2020 - 03:40 PM

Tinalakay na ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang pagsasailalim sa lockdown sa Barangay Mauway.

Sa abiso ng Mandaluyong Public Information Office sa Facebook, ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing barangay.

Inirekomenda ng City Health Department at City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang paglalagay sa total lockdown ng Barangay Mauway.

“Kung kaya’t kinabukasan, pinatawag ni Mayor Menchie Abalos si Kapitan Bernie Evangelista ng Mauway para sabihan siya sa pag lockdown din ng nasabing barangay,” batay pa sa pahayag ng Mandaluyong PIO.

Inaasahan anilang isasailalim ang Barangay Mauway sa total lockdown sa mga susunod na araw.

Mauunang isailalim sa total lockdown ang Barangay Addition Hills simula May 7 hanggang 13.

TAGS: Inquirer News, Mandaluyong City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), Mandaluyong City Health Department, Mandaluyong PIO, Radyo Inquirer news, total lockdown in Barangay Addition Hills, total lockdown in Barangay Mauway, Inquirer News, Mandaluyong City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), Mandaluyong City Health Department, Mandaluyong PIO, Radyo Inquirer news, total lockdown in Barangay Addition Hills, total lockdown in Barangay Mauway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.