MMDA, handa na sakaling ideklara ang GCQ sa Metro Manila
Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sakaling ideklara na ang general community quarantine sa Metro Manila.
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni MMDA spokesperson, Assistant Secretary Celine Pialago na maghihintay lamang sila ng ibabang guidelines mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kung aalisin na sa enhanced community quarantine ang NCR sa May 15.
“Handa po ang MMDA na ipataw ang parusa base po sa magiging guidelines na ilalabas once po na ma-shift sa GCQ ang Metro Manila on May 15,” pahayag ni Pialago.
Nakahanda na rin aniya ang mga MMDA enforcers na ipatupad ang polisiya kung sasailalim na sa GCQ ang National Capital Region.
“Ready din po ang ating enforcers na mag-implement po ng polisiya once po na tayo ay masailalim na sa GCQ,” dagdag pa nito.
Samantala, tiniyak din ni Pialago na may nakahandang dalawang quarantine o isolation facility para empleyado ng ahensya na sumasailalim sa COVID-19 rapid testing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.