Prangkisa ng ABS-CBN agad na aaprubahan ng Senado-Sotto

By Jan Escosio May 06, 2020 - 09:27 AM

Tiniyak ni Senate President Tito Sotto na agad na aaprubahan ng Senado ang prangkisa ng ABS CBN.

Pahayag ito ni Sotto matapos itigil ng ABS CBN ang pagsasahimpapawid bilang pagtalima sa cease and desist order ng National Telecommunications Office matapos mapaso anv kanilang prangkisa.

‘“ABS Franchise, bring it to the Senate, we will approve it!” pahayag ni Sotto sa kanyang official Twitter account.

Umaasa naman si Senator Grace Poe na gagawin ng kanyang mga kapwa mambabatas, sa Senado at Kamara, ang tama kaugnay sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Sinabi ni Poe dapat gawin nila kung ano ang kanilang mandato ayon sa Saligang Batas para protektahan ang freedom of the press at freedom of expression at aniya dapat ito rin ang ginagawa ng gobyerno.

Lumikha aniya ng mga katanungan ang naging hakbang ng National Telecommunications Commission (NTC) tulad ng kung ang pagpapasara sa ABS-CBN ay ayon talaga sa istriktong pagsunod sa batas, kung ito ba ay pag-atake sa media at sambayanan.

Tanong din ni Poe kung ito ay makatuwiran gayun inilalagay din ng mga taga-media ang kanilang sarili sa panganib dahil sa patuloy na pagta-trabaho sa gitna ng kasalukuyang krisis.

Kinuwestiyon din niya ang kahandaan ng gobyerno sa napipintong pagkawala ng trabaho ng libo-libong inaasa ang kabuhayan sa ABS-CBN.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Sen. Risa Hontiveros dahil napakahalaga ng ginagawa ng ABS-CBN ngayon lumalaban ang bansa sa COVID-19 dahil aniya ang pagbibigay ng mga tamang impormasyon ay napakahalaga sa sitwasyon ngayon.

Dapat naman dalhin ng ABS-CBN ang isyu sa Korte Suprema, ayon kay Sen. Francis Pangilinan sa paniwalang nagkaroon ng pang-aabuso sa bahagi ng NTC dahil sinabi na mismo ni Justice Sec. Menardo Guevarra na maaring magbigay ng provisional authority ang NTC para sa patuloy na operasyon ng media network.

Sinabi naman ni Sen. Christopher Go na nasa Kamara na ang bola at dapat kumilos na ang mga kongresista.

Dagdag pa niya sakaling umabot na sa Senado ang prangkisa ang kanyang magiging boto ay base sa kanyang konsensiya at para sa interes ng sambayanang Filipino.

Panghihimasok naman sa lehislatura, ayon kay Sen. Richard Gordon, ang ginawa ng NTC dahil nasa deliberasyon na ng mga mambabatas ang prangkisa.

Ayon pa kay Gordon kung may mga paglabag ang ABS-CBN sa kanilang franchise agreement hayaan naman ang hudikatura na mag-desisyon at magpataw ng kinauukulang multa.

TAGS: ABS-CBN, bong go, Gordon, hontiveros, pangilinan, poe, Senate, Sotto, ABS-CBN, bong go, Gordon, hontiveros, pangilinan, poe, Senate, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.