Nadagdagan pa ng tatlo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa huling datos ng PNP Health Service, 112 PNP personnel na ang tinamaan ng nakakahawang sakit kung saan 92 ang aktibo pang kaso.
Ang bagong kaso ng COVID-19 sa PNP ay ang mga sumusunod:
– 48-anyos na lalaking pulis sa Paranaque City
– 29-anyos na lalaking pulis sa San Juan City
– 32-anyos pulis na naka-assign sa National Capital Region
Sinabi ng PNP Health Service na mahigpit na binabantayan at binibigyan ng atensyong medikal ng PNP doctors ang 68 pasyente na nananatili sa quarantine facilities, lima sa ibang pagamutan at 19 personnel na nakasailalim sa home quarantine.
Nasa 310 PNP personnel ang itinuturing na Probable Persons Under Investigation (Probable PUIs) habang 384 pulis ang Suspected Persons Under Investigation (Suspected PUIs).
17 pulis naman ang gumaling na habang tatlo ang nasawi bunsod ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.