LOOK: Limang lugar na nakapagtala ng pinakamaalinsangang panahon, May 5

By Angellic Jordan May 05, 2020 - 07:33 PM

Maalinsangang panahon ang naranasan hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba pang lalawigan sa bansa, araw ng Martes (May 5).

Sa datos ng PAGASA, pumalo sa 51 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa Dagupan City bandang 2:00 ng hapon.

Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Sangley Point, Cavite City – 49 degrees Celsius dakong 2:00 ng hapon
– Ambulong, Tanauan City – 48 degrees Celsius dakong 11:00 ng umaga
– Science of Muñoz – 46 degrees Celsius dakong 2:00 ng hapon
– Iba, Zambales – 45 degrees Celsius dakong 2:00 ng hapon

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot ng 41 hanggang 54 degrees Celsius na heat index.

Maaari anilang magdulot ito ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke kung tuluy-tuloy ang physical activity.

Dahil dito payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities tuwing tanghali at hapon.

TAGS: heat index May 5, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, heat index May 5, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.