Gobyerno target makapag-accredit ng 78 COVID-19 testing centers sa bansa

By Angellic Jordan May 05, 2020 - 03:59 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Target ng gobyerno na makapag-accredit ng 78 COVID-19 testing centers sa Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Mayo.

Sa virtual presser, sinabi ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president Vince Dizon na magdodoble-kayod ang gobyerno para madagdagan ang bilang ng mga laboratoryo na makakapagsagawa ng pagsusuri sa nakakahawang sakit.

Sa ngayon, mayroon aniyang 20 accredited laboratories sa buong bansa.

“Sa mga susunod na araw, ira-ramp up po natin ang laboratory testing na report po natin sa ating Pangulo [Duterte] na right now, mayroon tayong 20 laboratories,” ani Dizon.

Kailangan pa aniya ng makapag-accredit ng 58 pang laboratoryo para maabot ang target na 30,000 tests kada araw.

“Pinakamarami pong infection ay sa Luzon lalo na sa Metro Manila kaya po tama lang na mas maraming tayong laboratoryo doon pero mags-scale up na rin po tayo ng iba’t ibang laboratoryo sa buong bansa including Visayas and Mindanao,” dagdag pa nito.

Paliwanag ni Dizon, importante ito dahil sa mga darating na araw o buwan, kailangan handang mag-test sa publiko.

Sa ngayon, nasa 5,000 kada araw ang average daily tests sa bansa.

TAGS: BCDA president Vince Dizon, COVID-19 testing centers in the Philippines, COVID-19 update, Inquirer News, Radyo Inquirer news, BCDA president Vince Dizon, COVID-19 testing centers in the Philippines, COVID-19 update, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.