Empleyado ng GMA 7 arestado matapos lumunok ng shabu nang maharang sa checkpoint sa QC
Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang empleyado ng GMA 7 na lumunok ng shabu nang siya ay parahin sa checkpoint sa Brgy. Loyola Heights.
Kinilala ni QCPD Director Police Brigadier General Ronnie Montejo ang suspek na si Baron Giovani Belison, 36 anyos na field production assistant ng GMA 7 News and Public Affairs.
Ang suspek ay naharang sa checkpoint ng mga tauhan ng Anonas Police Station sa bahagi ng Aurora Blvd. sakay ng Nissan Frontier motor vehicle na may plakang POQ 361 at may body markings na GMA DZBB 594 KHZ.
Nakipagtalo si Bellison sa isang lalaking motorista na lulan naman ng Toyota Revo kaya nilapitan sila ng mga pulis sa checkpoint.
Nang makita ang mga pulis, tinangka ni Belison na tumakas at paandarin ang sasakyan pero naharang siya ng mga otoridad.
Hiningi ng mga pulis ang driver’s license ni Belison pero nakitaan ito ng dalawang transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu at isa dito ay kaniyang nilunok.
Mahaharap ang suspek sa kasong Reckless Driving at paglabag sa RA 9165.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.