Search and rescue sa gumuhong gusali sa Taiwan, tinapos na

By Isa Avendaño-Umali February 14, 2016 - 07:51 AM

Taiwan lindolUmakyat na sa 114 ang death toll sa isang building na gumuho matapos ang napakalakas na 6.4 magnitude na lindol sa southern Taiwan.

Tinapos na rin ang search and rescue efforts kahapon (February 13), makalipas ang isang linggong operasyon.

Ayon kay Tainan Mayor William Lai, ang huling biktima na nakuha sa Wei-guan Golden Dragon Building ay kinilalang si Hsieh Chen-yu, na miyembro ng management committee ng gusali.

February 6, 2016 o bisperas ng Lunar New Year, tinamaan ng malakas na lindol ang Tainan.

Ang pinakamaraming casualties ay naitala sa 17-storey Wei-guan Golden Dragon Building, habang ang dalawang nasawi ay nairekord sa iba pang lugar sa siyudad.

Mula sa kabuuang 289 na katao sa building, 175 ang buhay at 96 dito ay dinala sa ospital.

Aabot naman sa isang daan ang nawawala pa rin.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang tatlong indibidwal, kabilang na ang developer ng building, dahil sa posibleng professional negligence nila, habang patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang rason ng pagguho ng gusali.

 

TAGS: Taiwan quake, Taiwan quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.