Navotas City sasailalim sa Extreme Enhanced Community Quarantine simula bukas, May 6
Simula sa Miyerkules, May 6 alas 5:00 ng umaga hanggang sa May 15, alas 11:59 ng gabi ay iiral ang Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ) sa buong Navotas City.
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, dalawang beses nang na-extend ang ECQ, noong April 30 at ngayon ay hanggang May 15.
Dapat aniya na sa loob ng panahong ito, napababa na ang bilang ng nagpopositibo sa COVID-19.
Pero ayon kay Tiangco, patuloy na dumadami ang COVID-19 positive sa lungsod at karamihan sa mga pasyente ay namalengke o ‘di kaya naman ay nag-grocery.
Sa ilalim ng EECQ, ang mga residente sa bawat barangay ay may nakatakdang araw lamang para lumabas ng bahay at mamalengke o mamili ng groceries, gamot at iba pang pangangailangan.
Iiral ang total lockdown o walang maaaring lumabas kapag araw ng Linggo dahil magsasagawa ng paglilinis at disinfection ng mga palengke.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.