Nasa 69 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon province.
Batay sa datos hanggang 12:00, Martes ng tanghali (May 5), 42 sa nasabing bilang ay naka-confine sa mga pagamutan.
Pinakamaraming naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa Lucena na may 29 cases.
Narito naman ang COVID-19 cases sa iba pang lugar:
– Tayabas – 8
– Calauag – 8
– Candelaria – 6
– Unisan – 3
– Sariaya – 3
– Pagbilao – 2
– Infanta – 2
– Lopez – 2
– Lucban – 1
– Sampaloc – 1
– Tiaong – 1
– Pitogo – 1
– Real – 1
– Atimonan – 1
Samantala, dalawang residente sa nasabing probinsya ang probable case habang 1,161 ang suspected cases.
Nasa 20 naman ang gumaling sa COVID-19 at pito ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.