Bilang ng naisagawang individual tests ng COVID-19 laboratories sa bansa, 113,574 na – DOH
Umabot na sa mahigit 100,000 ang naisagawang unique individual tests ng iba’t ibang COVID-19 laboratories sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa virtual presser, batay sa ipinakitang datos ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa kabuuang 113,574 individual tests na ang naisagawa hanggang May 3.
Sa nasabing bilang, 101,416 o 89 porsyento ang lumabas na negatibo sa nakakahawang sakit.
11,917 o 11 porsyento naman aniya ang lumabas na COVID-19 positive.
Nauna nang nilinaw ng DOH na ang total positive tests ay maaaring mas mataas kaysa sa total confirmed cases dahil dumadaan pa sa case validation and processing ang lahat ng nagpopositibong pasyente.
Patuloy aniyang magpupursigi ang mga laboratoryo sa bansa para maabot ang target na P8,000 tests kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.