“Kaway-kaway mayor!” sa OFF CAM ni Arlyn Dela Cruz-Bernal

By Arlyn Dela Cruz - Bernal May 04, 2020 - 09:53 PM

Talagang mapapakamot ka rin ng ulo mo kung bakit may mga lokal na pamahalaan na ganap nang naipamahagi ‘yung alloted na halaga para sa kanilang lugar mula sa Social Amelioration Program ng pamahalaang nasyunal samantalang ang iba partial distribution pa rin hanggang sa ngayon ang report card.

‘Yung iba ngang LGU, nganga, ang daming dahilan na para bang laging “May I go pit sa klase.”

Ang totoo, bukod sa SAP, may ilang LGUs na kusang dumukot din sa sariling kaban ng kanilang pamahalaan para dagdag na tulong o ayuda sa kanilang nasasakupan, ‘yung tulong na no distiction kung mayaman o mahirap at totoo ang salitang, ang lahat ay tutulungan. Lahat.

Ang siste pa, yaung mga LGU na liblib, mahirap, may security problem pa, bongga ang ayuda mula sa kanilang munisipyo. Itapat mo sa isang napakalaki at napakayamang LGU na nangangapa sa how. Paano ba ang maayos na pamimigay? O hindi na yung paano ba ang maayos? Kailan ibibigay? Anong petsa na?

Oo na’t mas kaunti ang bilang ng mga residente ng malayong munisipyo kumpara sa higanteng siyudad ngunit puwede sanang magkatulad sila sa malasakit.

Oo na’t walang template. Oo na’t ngayon lang nangyari ito, ngayon lang 2020 may COVID-19, ngayon lang may lockdown, pero ngayon lang ba napagtanto na ang posisyong inuupuan ay katumbas ng pagsisilbi sa taumbayan? Duh!

The position commands not power but the opportunity to be selfless and to be of service.

Mga tunay na lider lang ang nakaaalam nito.

Kitang-kita natin kung sinu-sino ang lumutang ang mga katangian bilang alkalde o punong-bayan. Hindi ako magbabanggit ng pangalan. Kung nasaan kayo alam ninyo pinaggagawa o hindi ginawa ng LGU n’yo.

Kung hindi mapaparusahan ang mga LGU na hindi natupad nang naaayon sa takdang panahon ang kanilang dapat gawin, eh bakit pa tayo nag-guidelines, uunawain naman pala natin ang kakulangan?

Ang malasakit ay isang malalim na salita hindi sa kahulugan kundi sa saysay.

Either you have it or you don’t.

May hanggang May 15 pa. Huwag na sanang lumampas pa roon.

Ang mahirap, alam niyang mahirap siya, maghahanpbuhay yan, lalaban sa buhay.

Eh ngayong walang trabaho tapos pinangakuan ng tulong, tapos pinahihirapan mo sa paghihintay, abah eh ikaw na. Ikaw na ang alkaldeng walang pakiramdam.

Makakaulit ka pa sa puwestong yan? Tingin mo?

TAGS: column, Inquirer column, Radyo Inquirer column, social amelioration program, column, Inquirer column, Radyo Inquirer column, social amelioration program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.