Pangulong Aquino tinatawag na tanga ni Enrile

By Den Macaranas February 13, 2016 - 07:46 PM

enrile-aquino
Inquirer file photo

Hindi napigilan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang kanyang sarili na batikusin ang Pangulo kaugnay sa ibat-ibang mga isyu na dumaan at kasalukuyang pinagdadaanan ng kanyang administrasyon.

Sa isang pulong-balitaan sa Quezon City kanina, binalikan ng mambabatas ang mga impormasyon na kanyang nakuha sa imbestigasyon ng Senado sa naganap na Mamasapano incident.

Sinabi ni Enrile na kung ang Mamasapano operations na maliit lamang kumpara sa balak ng China na sakupin ang mga isla ng bansa ay sumablay ang administrasyong Aquino, mas malaki raw ang ating magiging problema kapag gumalaw na ang militar ng China.

Tinawag din nang mambabatas na tanga ang nagbigay ng order kay dating Special Action Force Director Getulio Napeñas na isagawa ang operasyon para tugisin ang teroristang si Zulkifli bin Hir alias Marwan.

Ayon kay Enrile, “Sinasabi ninyo tanga si Napeñas. Ipagpalagay nating tanga, pero sino ang mas tanga? Yung inutusan na tanga or yung nag-utos ng tanga”?

Dagdag pa ng mambabatas, “Yung mga sundalo, theirs is not to reason why, theirs is just to do and die… Who can defy a president? In this country, a president is the precipatory power. He is the head of state, head of government, chief executive, commander in chief, and the top policeman…I measure him, he’s the worst president this country ever had”.

Sinabi rin ni Enrile na kakarampot lamang ang tulong na tinanggap ng mga kaanak ng mga tauhan ng SAF na namatay sa bakbakan.

 

 

“The dollar reward is $5 million. At P40 per dollar, that’s P200 million. What is the reward given by PNoy? P7 million. That is the worth of Marwan as a threat to us compared to the threat to America,” dagdag pa ng 92-anyos na mambabatas.

TAGS: Aquino, Juan Ponce Enrile, mamasapano, Aquino, Juan Ponce Enrile, mamasapano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.