Science City of Muñoz nakapagtala ng pinakamataas na heat index, kahapon
Naitala sa Science City of Muñoz ang pinakamataas na heat index kahapon, Linggo (May 3).
Ayon sa PAGASA, 46 degress Celsius ang naitala sa lugar, alas-2 ng hapon.
Nakapagtala naman ng 43 degress Celsius na heat index sa Sangley point, Cavite City (alas-2:00 ng hapon) at Zamboanga City (alas-12 ng tanghali)
Pawang nakapagtala naman ng 42 degrees Celsius na heat index alas-2:00 ng hapon sa Dagupan City at Tuguegarao City.
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Dagdag ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.