Samahan ng State Universities and Colleges sa bansa tutol sa full online learning education

By Erwin Aguilon May 01, 2020 - 07:25 PM

Pumalag ang Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) sa plano ng pamahlaan na magkaroon ng “full online learning education” para sa School Year 2020-2021 dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Sa virtual hearing ng House Committee on Higher and Technical Education, sinabi ni PASUC president Dr. Tirso Ronquillo na hindi lahat ng mga state universities and colleges (SUCs) sa bansa may kakayahan para isagawa ang online education.

Mayroong mga SUCs anya na limitado lamang ang electronic equipment at problema rin ang internet connectivity para sa mga estudyante, lalo na sa mga nakatira sa mga liblib na lugar sa bansa.

Hamon din para sa kanilang hanay ang kakiulangan sa ICT facility dahil sa delayed implementation ng ilan sa kanilang mga proyekto at programa.

Bukod dito, iginiit ni Ronquillo na ilan sa faculty ng mga SCUs ay wala o limitado lamang ang alam sa mga online educational application.

Sa ngayon, inilalatag pa ng Commission on Higher Education (CHED) ang redesigning ng curriculum ng mga mag-aaral.

Maliban sa online ay mayroong ibang modular o pamamaraan na inihahanda ang CHED para magtuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga kabataan ngayong nasa gitna ng krisis ang bansa.

 

 

 

 

TAGS: CHED, online education, SUCs, CHED, online education, SUCs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.