Mga sagabal sa pamamahagi ng ayuda, pinareresolba sa DSWD at LGUs

By Erwin Aguilon May 01, 2020 - 06:56 PM

Umapela si House committee on public accounts chairman Mike Defensor sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units (LGUs) na resolbahin ang mga isyung nagpapabagal sa pamumudmod ng ayuda sa mahihirap na pamilya.

Ayon kay Defensor, malinaw na may problema sa distribution dahil hanggang sa ngayon ay meron pa anyang mahigit 8 milyong pamilya na naghihintay na maabutan ng P5,000 hanggang P8,000 na cash assistance.

Ang DSWD at LGUs anya ang naatasang mamahagi ng social amelioration fund kaya dapat gawan nila ng paraan na mawala ang mga sagabal para mapabilis ang proseso.

Binanggit rin ng kongresista ang ilang lokal na opisyal na narereklamo dahil sa kawalan umano ng koordinasyon ng local DSWD office sa LGU para sa kwalipikadong households.

Tinukoy ni Defensor ang impormasyong nakapost sa DSWD website kung saan mula sa target na 18 milyong pamilya, 3.7 million na sakop ng 4Ps at 5.7 million non-4Ps ang nakatanggap na ng cash assistance.

Ibig sabihin, nasa 8.6 million households pa ang hindi naabutan gayung ngayong araw ang deadline para sa April SAP.

 

 

 

TAGS: cash assistance, dswd, LGUs, sap distribution, cash assistance, dswd, LGUs, sap distribution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.