DOTr naglabas ng guidelines para sa pagbiyahe ng PUVs sa mga lugar na nasa GCQ

By Dona Dominguez-Cargullo May 01, 2020 - 02:46 PM

Naglabas ng guidelines ang Department of Transportation (DOTr) na susundin sa pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na sakop na lang ng General Community Quarantine (GCQ).

Lahat ng PUV units ay dapat magpatupad ng mandatory na pagsusuot ng face masks at magsagawa ng regular na disinfection sa sasakyan.

Lahat ng uri ng pampublikong sasakyan ay dapat magsakay lang ng hindi lalagpas sa 50% ng vehicle capacity para masiguro ang social distancing.

Sa mga PUV at terminal dapat magkaroon ng contact tracing measures. Pinapayuhan din ang mga pasahero na tandaan ang kanilang biyahe at sinakyan sa panahong may GCQ.

Sa mga transport terminal, dapat ay magkaroon ng mandatory body temperature check sa mga pasahero, maglagay ng disinfecting facility equipment na may alcohol o sabon sa lahat ng entrada, ipatupad ang social distancing sa loob ng terminal.

Ang mga bus ay hindi pinapayagang huminto para magsakay o magbaba ng pasahero sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine.

Limitado ang magiging operasyon ng mga pampasaherong jeep at maglalabas ng guidelines ang LTFRB hinggil dito.

Ang mga taxi at TNVs ay pwedeng mag-operate pero dapat istriktong sundin ang physical distancing kaya bawal ang multiple bookings sa single trips.

Bawal pa din ang pagbiyahe ng Motorcycle Taxis.

Ang mga tricycle ay maaring payagan na mag-operate sa ilalim ng operational guidelines.

Ayon sa DOTr, ang LTFRB at LTO ay magsasagawa ng random inspections araw-araw sa mga bumibiyaheng PUVs, sa mga terminal at depots.

 

 

 

TAGS: dotr, GCQ, PUV Guidelines, dotr, GCQ, PUV Guidelines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.