Pasahero ng MRT at LRT lilimitahan sa 160 bawat train set kapag nakabalik na sa biyahe
Lilimitahan sa hanggang 160 lamang bawat train sets ang pasahero sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit sa sandaling makabalik na ito sa operasyon.
Ayon sa Department of Transportation, kahit ma-lift na ang umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila ay kailangang magpatupad ng limitasyon sa pasahero sa MRT at LRT.
Ito ay para matiyak ang social distancing sa loob ng tren at maiwasan ang siksikan ng mga pasahero.
Inaasahang magbabalik operasyon ang MRT at LRT pagkatapos ng pag-iral ng ECQ sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.