500 OFWs tinatapos ang kanilang mandatory quarantine sa 2 quarantine ships at sa Eva Macapagal Terminal – DOTr
Aabot na sa 500 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang tumatapos ng kanilang 14-day na mandatory quarantine sa dalawang quarantine ships sa Manila South Harbor.
Ang mga OFW ay nasa dalawang quarantine ships at sa Eva Macapagal Terminal.
Ang DOTr, Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG), at Maritime Industry Authority (MARINA), sa pakikipag-ugnayan sa Lopez Group of Companies, 2GO at Asian Terminals Inc. (ATI) ang nangangasiwa sa pasilidad.
Sa ngayon ayon sa DOTr, mayroong 255 na OFWs sa isa sa mga barko, 77 sa isa pa at 204 na OFWs naman ang nasa Eva Macapagal Terminal.
Simula noong April 11, 2020 ay mayroon nang 48 OFWs ang nakakumpleto ng kanilang mandatory quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.