Mahigit 29,000 pamilya sa Quezon City tumanggap na ng cash assistance sa ilalim ng SAP ng DSWD
Umabot na sa 29,912 na pamilya sa Quezon City ang nakataggap ng P8,000 cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang DSWD ay naglaan ng mahigit 377,800 na SAC forms para sa Quezon City.
Ngayong araw, May 1 naka-schedule ang pay-out para sa mga Brgy. Bayanihan, Damar, Escopa 1, 2 at 3; Holy Spirit, Pasong Tamo, Santol at Tatalon.
Ang mga kwalipikadong pamilya pero hindi napasama sa SAP ng DSWD ay tatanggap ng P4,000 na tulong mula sa lokal na pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.