Coordinator ng Bayan Muna sa Iloilo patay sa pamamaril
By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2020 - 09:46 AM
Nasawi sa pananambang ang regional coordinator ng grupong Bayan Muna sa Iloilo City.
Kinilala ni Lt. Col. Joem Malong, Western Visayas regional police spokesperson ang biktima na si Jory Porquia, 50 anyos Iloilo regional coordinator ng Bayan Muna.
Nasa loob ng kaniyang bahay ang biktima sa Barangay Santo Nino Norte nang siya ay tambangan ng dalawang lalaki Huwebes (Apr. 30) ng umaga.
Dead on the spot ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon sa kung ano ang motibo sa pananambang kay Porquia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.