300 barong-barong tinupok ng malaking sunog sa Taguig City
Umabot sa tatlong-daang mga kabahayan ang naabo sa malaking sunog na sumiklab sa West Bicutan sa Taguig City.
Pasado alas-una ng madaling-araw kanina nang ideklarang fire-out ang sunog na nagsimula kahapon ng hapon.
Sinabi ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) na nahirapan silang pasukin ang sentro ng sunog dahil sa sikip ng mga lansangan.
Mabilis na kumalat ang sunog na umabot sa Task Force Alpha dahil gawa ang mga kabahayan sa mga light materials.
Sa paunang imbestigasyon ng mga arson investigators, napag-alaman na faulty electrical wiring ang pinagmulan ng apoy.
tinatayang nasa halos ay P1Million ang halaga ng mga natupok na ari-arian samantalang wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa naganap na insidente.
Umaapela naman ng tulong sa mga lokal na opisyal ng lungsod ang mga biktima ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.