Heat index sa Metro Manila, umabot sa 42 degrees Celsius

By Angellic Jordan April 29, 2020 - 04:50 PM

Naging matindi ang naramdamang init at maalinsangang panahon sa Metro Manila, araw ng Miyerkules (April 29).

Ayon sa PAGASA, pumalo sa 42 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon bandang 12:45 ng tanghali.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang heat index noong Martes, April 28.

Ayon pa sa weather bureau, nasa 35.1 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.

Payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

TAGS: Heat index in Metro Manila, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Heat index in Metro Manila, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.